Tuesday, March 6, 2012

Naaalala mo ba Pap?

Naaalala mo ba na lagi kami naghuhulaan ng kapatid ko kung anong billboard ang susunod pag tayo ay pa-probinsya.

Naaalala mo ba nung binigyan mo ako ng tig-singkwentang limang-libong pang-tuition.

Naaalala mo ba nung naglilinis tayo ng aquarium tapos namatay sa chlorine lahat ng isda natin.

Naaalala mo ba nung isang beses na bumiyahe tayong pa-Cogeo tapos ako ang taga-singil mo.

Naaalala mo ba nung umalis ka at hindi ako lumabas ng kwarto.

Ang tagal mo narin palang malayo Pap.

No comments:

Post a Comment