Thursday, May 8, 2008

Ngunit, Subalit, Datapwat (Nosebleed + Teardrops)

Bakit kailangan mong lumisan?
Talaga bang hindi mo na ako mahal?
O ayaw mo lang, o hindi mo pa kayang manindigan
At amining ako lang ang nag-iisa
Sa bagay, hindi ko naman pwedeng akuin ang buhay
Kung ayaw naman syang pahawak
Ngunit kung ipapaubaya mo sa aking puso ang iyong sarili
Ay ibibigay ko ang lahat
Tulad dati, hangang ngayon
Para sa akin ay sapat na ang lahat ng ginawa ko
Ngunit parang hindi para sa'yo
May gusto ka pang iba na ayaw nong sabihin
May minimithi ka pang hindi ko maibigay
Sana malaman ko ito para makahanap ako ng paraan
Upang ito'y maibigay ko sa'yo
Ngunit kung ang gusto o pangarap mo ay 'di ako
panalangin ko'y sabihin mo na
Lalo akong nasasaktan kapang iniiwan mo ako ng ganito lamang
Walang dahilan, walang sanhi
Sana kung ayaw mo na talaga
Tapusin mo na
Alam mo namang hindi ko magagawang mang-iwan
Hindi ko kayang umalis, hindi ko kayang magpaalam
Ang alam ko lang gawin ay mahalin ka
Kung gusto mo na talagang lumisan
Pakawalan mo na ako!

2 comments:

  1. Nakakatawang isiping may mga taong walang pakialam sa nararamdaman ng iba, kaya nga naimbento ang salitang manhid. Pero kagaya ng sakit na nararamdaman, may mga taong dumadaan sa buhay natin na walang silbi kundi magturo lamang ng leksyon, kahit isipin nating masakit ang paraan ng kanilang pagtuturo, at kahit anung sakit ang kanilang ibigay, lahat ng sugat ay may kani-kaniyang paraan at panahon ng pag hilom.
    Paalala lamang, mag-ingat sa mga taong dumadaan sa oras ng paghihinagpis, dahil ang ilan sa kanila'y nagsisilbing pampamanhid lamang ng sakit.

    ReplyDelete
  2. minsan hinahayaan nating saktan tayo ng mga taong mahalaga sa atin dahil mas maigi pa iyon kaysa sa wala........

    ReplyDelete