Thursday, October 19, 2006

Wat Tym Is It?

oct.19.2006

Anong petsa na?
Gulo at lito, galit at inis, buwisit at paso
Sunog na ang sigla ng kaluluwa ko
Akala ko "ok" na ang lahat, tapos ganito?

Anong pesta na?
Wala paring direksyon ang buhay ko
nakatayo parin sa gitna ng kakahuyan
Binabato ang santol ngunit 'di masapul.

Anong petsa na?
Nape-pressure na ko
"Diyos ko, help me, help us."
Masakit sa loob, sobra na ito.

Pero ayoko sumuko
Buhay parin ang apoy sa aking puso.

No comments:

Post a Comment